Nilalaman sa Iba't Ibang Wika

Tagalog

Ang Tagalog na bersyon ng website ng Departamento ng Daang Bayan (HyD) ay naglalaman ng mga piling pakikinabangang impormasyon lamang. Maaari mong makita ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o ang Pinadaling Tsino.

Mensahe ng Pagbati

Ang Hongkong ay may mataas na magkakaugnay at madadaanang kalsada at network ng mga riles na nagbibigay koneksyon sa publiko, sumusuporta sa paglago ng ekonomiya, at pinapaganda ang pagpapadali sa mga gawaing panlipunan.

Ang Departamento ng Daang bayan (Highways Department) ang may pananagutan sa patuloy na pagpapaganda sa network ng pampublikong daanan ng HongKong, pagsasagawa ng pagpaplano, disenyo at pangangasiwa ng proyekto sa kalsada upang matugunan ang pangangailangan sa pampublikong transportasyon at kaunlaran ng Lungsod. Kami ay may tungkulin na pag-aanalisa, pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad na pampublikong daan upang masiguro sila ay nasa ligtas at magagamit na kondisyon. Bilang karagdagan, sa ilalim ng patakaran sa pagpapaunlad ng sistemang nakatuon sa pampublikong transportasyon gamit ang mga riles bilang pundasyon, kami ang may pananagutan sa aralin ang mga Istratehiya sa Pagpapaunlad ng Riles ng Hong Kong at pangasiwaan ang pagpapatupad sa proyekto ng mga bagong riles.

Sa kurso ng maagang pagtuloy sa pagpapatupad ng iba't ibang proyekto sa imprastraktura ng transportasyon, Ang Departamento ng Daang Bayan ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay pati na rin ng komunidad. Sa pagpaplano ng mga proyekto sa kalsada, kami ay nagsisikap na magpakilala pa ng mas luntiang mga elemento upang mapaganda ang lansangan ng komunidad. Nagdagdag din kami ng mga lifts, escalator na daanan at mga bubong sa mga tawiran upang mapaganda ang mga daanan sa kapaligiran; magtayo ng mga harang sa ingay mula sa mga kalsada at makagawa ng kalsadang hindi masyadong maingay sa mga ginamit na kagamitan upang mabawasan ang ingay sa trapiko.

Sa darating na panahon, Ang Departamento ng Daang Bayan ay patuloy na magsisikap kasama ang aming katuwang sa industriya, daladala ang diwa ng propesyonalismo, na aktibong gumagamit ng mga intelligent automation at makabagong teknolohiya upang mapaganda ang kahusayan at makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa publiko, habang pinanghahawakan ang mga prinsipyo ng patuloy na pagpapalago.

Ang website na ito ay nagpapakita sa mga serbisyo at impormasyong ibinigay ng Departamento ng Daang Bayan. Mangyaring maging malaya sa pagpapadala ng inyong mga mungkahi at opinyon sa pamamagitan ng aming hotline (2926 4111) o mag-email sa (enquiry@hyd.gov.hk) upang mapabuti ang aming trabaho.

Pangunahing Negosyo

Ang pangunahing negosyo ng Departamento ng Daang Bayan ay ang mga sumusunod: